Ang hamon upang mapagbuti ang kakayahang matutong bumasa, makinig, magsalita, at sumulat sa wikang Filipino sa murang gulang pa lamang ay tinutugunan ng seryeng ito. Layon ng serye na maturuan ang mga mag-aaral na magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang sitwasyon. Nililinang ng aklat na ito ang kasanayang pangwika at panggramatika sa pamamagitan ng mga gawaing kawili-wili para sa mga batang mag-aaral. Hinuhulma ng serye ang mga batang maging mapagmahal sa wikang Filipino at marunong at malikhain sa paggamit ng wikang ito.
- May mga aralin na madaling maunawaan
- May mga gawaing kawili-wili, makabuluhan, malikhain, at angkop sa kakayahan ng batang mag-aaral