Wow Filipino! Integratibong Aklat sa Wika at Pagbasa (Grade 5)

Wow Filipino! Integratibong Aklat sa Wika at Pagbasa (Grade 5)

Regular price
Sale price
Regular price
Sold out
Unit price
per 

Editor: V. M. Resuma; Authors: R. C. Santos, P. A. Razon, K. V. Ortega, R. V. del Castillo

Copyright Year: 2020 

Tugon ang seryeng Wow Filipino! (Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa) sa bagong kurikulum para sa K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon, partikular sa pagtuturo ng Filipino sa elementarya. Sa tulong ng Wow FIlipino!, inaasahan ang makahulugan at kawili-wiling pag-aaral ng wikang Filipino. Natatanging mga katangian ng seryeng ito ang sumusunod:

  • Ang sistematikong paglinang ng lahat ng basic learning competencies alinsunod sa DepED K to 12. Ginamit ang higher order thinking skills (HOTS) sa seryeng ito upang ang mga mag-aaral ay maging mapanuri sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang sitwasyon.
  • Ang integratibong lapit sa pagtuturo ng pagbasa at wika. Ginagamit na lunsaran sa mga aralin ang iba’t ibang anyo ng panitikan na may kawili-wiling estilo ng pagsulat. Sinusundan iyon ng pagaaral ng gramatika ng wikang Filipino. Pinag-uugnay ang pagdebelop ng mga kasanayang pangwika sa tulong ng mga gawaing nakatuon sa mensahe ng binasang akda.
  • Ang pagiging outcome oriented and performance-based ng kabuuang serye. Sa librong ito, mga estudyante mismo— katulong ng guro at mga kamag-aral— ang magmamarka sa mga pamantayang nadebelop sa kanila. Layunin nito maging matalino, mapanuri, at malikhain ang paggamit ng wika.
  • Isang makabagong titulo na aakit sa atensyon ng mga estudyante, gayon din sa mga gurong may kamalayang isang buhay o dinamikong wika ang Filipino kaya nagbabago at umuunlad sa pagdaan ng panahon.