Author-Editor: Alvin Ringgo Reyes; Authors: Andres P. Castillo, Jr., Albert Lagrimas, Alvin Ringgo Reyes, Rodolfo Reyes, Jr., Christine Arbee Pasion, Jan Henry Choa, Aileen Joy Saul, Marvin M. Zapico, Ian Mark P. Nibalvos
Isinulat para sa Generation Z learners, ang bagong serye na Wow Filipino! para sa sekundarya ay nagtatamo ng mga kasanayang pangkomunikasyon sa Filipino batay sa mga competency sa K to 12 curriculum. Nililinang din nito ang holistikong pagkatuto ng panitikan, gramatika, at retorika sa pamamagitan ng integrasyon ng mga aralin.
Lalo ring magiging masigasig ang mga mag-aaral na basahin at unawain ang mga teksto dahil ginawang makabago at mas natural ang paglalahad ng mga ito. Pinuno rin ito ng mga pagtatayang lalong magpapahusay sa mga mag-aaral.
Narito ang ilan sa mga katangian ng seryeng ito:
- Isinulat sa ikalawang panauhan upang mas maging interaktibo sa tuwirang pakikipag-usap sa mga gumagamit
- Dinisenyo nang naayon sa competencies ng K to 12 curriculum
- Mas pinagtibay ang mga nilalaman ng libro sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga eksperto
- Mas pinagyayabong ang 21st-century skills sa pamamagitan ng Technological Pedagogical Content Knowledge (TPACK) model
- Problem-based learning model
- Gamit ang LearnLive AR, gagawing buhay ang pag-aaral ng mga bata sa pamamagitan ng mga AR experiences na makukulay at maiging makapagpapaliwanag ng mga konseptong matatagpuan sa libro.