Authors: R. A. G. Abejo, M. D. dL. Jose, J. S. Reguindin, J. A. Ong, A. A. T. Mallari, V. C. Villan, PhD, M. J. Z. Arisgado, D. J. G. Rosario
Copyright Year: 2018
Ang serye sa Araling Panlipunan na Kasaysayan, Kabuhayan, at Kamalayan 7-10 ay nakatuon sa paghubog ng mamamayang makakalikasan, makabansa, at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw.
Sa pagkamit ng mga layunin ng Araling Panlipunan K to 12 kurikulum, tinitiyak ng seryeng ito na mabibigyan ng pagkakataon ang kabataan na makaalam, makagawa, makapamuhay, at maging ganap na pawang mga haligi ng pagkatuto (pillars of learning).
- Nagtataglay ng mga elemento ng Understanding by Design na makatutulong sa mas pokus at mas malalim na pag-unawa sa mga aralin
- Nakatuon ang nilalaman at mga gawain sa pangkabuuang kagalingan ng mag-aaral (learner-centered)
- Gumagamit ng mga approach at estratehiya mula sa iba’t ibang teorya ng pagkatuto tulad ng konstruktibismo ang magkatuwang, gayundin, ang indibidwal na pagkatuto at pangkaranasan at pangkontekstong pagkatuto
- Mayaman sa mga gawaing awtentiko na lumilinang sa mga higher-order thinking skills at pumapanday sa kasanayan ng mag-aaral sa pananaliksik, mapanuri at malikhaing pagiisip, matalinong pagpapasiya, at mabisang komunikasyon
- Nililinang ang panghabambuhay na kakayahan ng mag-aaral na mag-isip at matuto (lifelong learning)
- Ang daloy ng bawat aralin ay idinisenyo tungo sa higit na makabuluhan at malalim na pagunawa sa paksa
- Naglalaman ng mga gawaing papanday sa mga kasanayang kinakailangan sa ika- 21 siglo (21st-century skills)