Author-Editor: Dr. Neil Santillan; Authors: M. Arceo, S. Salangsang, P. Ascuna, B. Untalan, F. Pellazar, M. Mercado, A. Espiritu
Ang seryeng ito ay nakaayon sa kurikulum na K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd. Tumutugon ito sa hamon ng paghubog ng kabataang may tiyak at ipinagmamalaking pagkakakilanlang Pilipino na may pambansa at pandaigdigang pananaw. Layunin din nitong hubugin ang pangkabuuang pagunlad ng isang mag-aaral tungo sa pagiging kapaki-pakinabang at responsableng mamayang Pilipino.
- Nakatuon ang nilalaman at mga gawain sa pangkabuuang kagalingan ng mga mag-aaral (learner-centered)
- Gumagamit ng mga estratehiya mula sa iba’t ibang teorya ng pagkatuto tulad ng konstruktibismo, magkatuwang na pagkatuto, at pangkaranasan at pankontekstong pagkatuto
- Mayaman sa mga gawaing awtentiko na lumilinang sa higher-order thinking skills at papanday sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsisiyasat, mapanuri at malikhaing pag-iisip, at matalinong pagpapasiya